Monday, 5 October 2020

"Ang mabuhay ng moral ay mabuhay ng malaya"

                 Ang kalayaan ay ang pagiging may kakayahang gawin ang mga bagay-bagay ng malaya. Pero tama ba iyon? Ligtas ba ito? Bilang isang tao, isinilang tayo upang maging  malaya at gawin ang mga bagay na gusto natin gawin ngunit ito ay dumating na may isang presyo.

                  Ang kalayaan ay walang anumang  kumokontrol sa atin sa kung ano ang ating mga gagawin pero hindi ibig sabihin na magagawa natin ang mga bagay na makapipinsala sa iba. Kaya napili ko ang sawikaing “Ang mabuhay na moral ay mabuhay ng maging malaya” dahil ang pagiging Malaya ay hindi lang sa mga bagay-bagay kundi ito rin ay tungkol sa sarili. Pagiging malaya at makaramdam sa pagiging malaya mula sa negatibo, kasalanan, at takot. Ang mabuhay ng moral ay namumuhay ng walang paglabag sa anumang batas, pagpapanatili ng katapatan, hindi paghawak ng mga grudges, pagkaroon ng mapagtawad na kalikasan at pagiging mabuhay sa iyong sarili.

                        Lahat ng tao ay malaya pero mayroon tayong mga responsibilidad at mga tungkulin na dapat nating gawin. Lahat ng tao ay responsable at palaging nanagot sa ating mga ikinikilos. Lahat ng buhay ay mayroong iba't ibang sitwasyong  kinakaharap maaring mabuti, masama o halo ng dalawang ito, pero lahat na ating mga gagawin ay ating mga desisyon. Ang kalayaan ay hindi para lamang sa iisang tao kundi para sa kapakanan ng lahat.


No comments:

Post a Comment

MUSICAL PLAY STUDY RESOURCE