Thursday, 2 January 2020

True Spirit of Christmas is Kindness

              Ang Pasko ay pagdiriwang ng kapanganakan ng ating tagapagligtas na si Jesus Christ. Ito ay ipinadiriwang sa ika-25 ng Disyembre taon-taon. Tayong mga Pilipino ay mayroong mga tradisyon kada Pasko, halimbawa ay ang pangangaroling, pagbigay o pagtanggap ng mga regalo at iba pa, pero ang pinakaimportante ay sa itong kaganapan, tayo'y magdiwang ng kagalakan. Kaya noong Disyembre 18, nagbigay kami nang regalo na makatulong sa janitor ng aming paaralan, Asian College of Technology. Ang mga janitor ay isa sa mga tao na nagtatrabaho kahit saan, sila ang dahilan na ang ating lipunan ay malinis at maayos. Katulad sa mga iba pang mga nagtatrabaho, sila rin ay nagsisikap para sa kanilang mga pamilya. Kaya sa aming project sa Araling Panlipunan ay kami'y pinag-ipon ng pera para makabigay ng regalo para sa kanila. Nakaipon kami nang pera galing sa aming mga pang araw-araw na baon. Sa aming grupo ay nakaipon kami nang P466 sa kabuuan. Kami ay itinalaga ni Kuya Carl, isang janitor sa aming paaralan habang ang ibang grupo ay nakatakda sa ibang janitor. Itong gawain ay napakamaganda dahil kada pasko na sanay kami na kami ang bibigyan pero maganda pala ang pakiramdam pag ikaw na ay magbigay at makita mong masaya ang iyong binibigyan.

  

Kami ay nagplano sa kung ano-ano ang aming bilhin gamit sa aming naipon na pera at dahil pumunta kami sa SM Seaside para bumili ng mga regalo para sa aming Christmas Party, doon rin kami bumili ng bigas at packed na spaghetti para pang nochebuena. Sa susunod na araw bago magsimula ang klase ay ibinigay namin ang aming nabili kay Kuya Carl. Hindi man ito malaki pero siya parin ay naging masaya. Sobrang saya niya nung pagkatanggap niya sa aming regalo at nagpasalamat siya, pero hindi naman siya ang dapat magpasalamat dahil pag hindi dahil sa kanya o sa ibang mga worker sa paaralan, hindi maging ganun ka linis o ka maganda ang aming paligid.  
   

Kahit na ang aming ginawa ay maliit lamang, malaki na ito para sa kanila. Hindi mahirap magbigay pag gusto mo talagang magbigay kaya kahit man, maliit o malaki, ang importante ay makatulong. 

"No act of kindness however small is ever wasted"

MUSICAL PLAY STUDY RESOURCE